1. Pook-Sapot
English word: Website
Definition: Isang lokasyon na konektado sa internet na nagpapanatili sa o higit pang mga pahina sa World Wide Web.
Sentence: Any sikat na kabatang pook-sapot at Facebook.
2. Payneta
English word: Comb
Definition: Isang strip ng plastic, metal o kahoy na may hilera ng makikitid na ngipin, na ginagamit para sa pagtanggal o pag-aayos ng buhok
Sentence: Ang payneta ni Sandra ay marumi.
3. Duyog
English word: Eclipse
Definition: Isang okasyon kung saan ang araw ay mukhang ganap o bahagyang natatakpan ng isang madilim na bilog dahil ang buwan ay nasa pagitan ng araw at ng Earth.
Sentence: Ang duyog ay gaganapin mamaya sa gantong oras.
4. Yakis
English word: To sharpen
Definition: para patulisin ang isang bagay katulad ng kutsilyo,gunting, at iba pa.
Sentence: Ang kutsilyo ay kailangan ng ma-yakis.
5. Himaton
English word: clue
Definition: Isang ebidensya o katibayan na humantong patungo sa solusyon sa problema.
Sentence: Si Kerby ay binigyan na nila ng himaton upang malaman niya kung ano ang dapat niyang gawin.
6. Labaha
English word: razor
Definition: Ito ay isang instrumento na may matalas na talim o kumbinasyon ng mga talim, na ginagamit upang alisin ang mga hindi gustong buhok sa mukha o katawan.
Sentence: Ginamit nya ang labaha sa cr upang kanyang ipang-ahit sa kanyang balbas.
7. Masimod(Matakaw)
English word: Greedy
Definition: pagkakaroon ng labis na pagnanais o gana sa pagkain.
Sentence: Napakasimod ng batang ito. Paladampot at palasubo ng kahit na anong pagkain.
8. Pantablay
English word: Charger
Definition: Halos lahat ng tao ngayon ay mayroon ng cellphone. Ginagamit ito upang makipag komunikasyon sa taong malalayo saiyo.Pero kapag naubos na ang baterya ng cellphone mo kailangan mo itong i charge gamit ang “pantablay o charger”.
Sentence: Palagi kong isinasaksak sa pantablay ang aking cellphone dahil mabilis maubos ang baterya nito.
9. Miktinig
English word: Microphone
Definition: Ang “miktinig” ay ginagamit upang mapalakas ang transmisyon ng iyong boses lalo na kapag nasa malawak ka na lugar. Maaring gamitin ito sa pagbabalita, pag-aanunsyo o di kaya sa pagkanta.
Sentence: Nahihiya akong kumanta kapag mayroong miktinig.
10. Sulatroniko
English word: electronic mail
Definition: Isang systema na ginagamit upang makapag hatid ng mensahe galing sa isang kompyuter patungo sa isa pang kompyuter.
Sentence: Gamitin nyo ang "Sulatroniko" upang makapag padala ng mahahalagang balita saakin.
11. Abaniko
English word: fan
Definition: Pamaypay ng kamay; ay isang aparato na hawak sa kamay at ginagalaw pabalik-balik upang palamigin ang tao at iyon ay karaniwang hugis tulad ng isang bahagi ng isang bilog at binubuo ng materyal (bilang mga balahibo o papel) na naka-mount sa manipis na mga baras o slats na gumagalaw sa paligid ng isang pivot upang ang aparato ay maaaring sarado nang mahigpit kapag hindi ginagamit.
Sentence: Gamitin mo na yang abaniko dahil mainit
12. Agham
English word: science
Definition: kaalaman tungkol o pag-aaral ng natural na mundo batay sa mga katotohanang natutunan sa pamamagitan ng mga eksperimento at pagmamasid; sistema ng kaalaman na sumasaklaw sa mga pangkalahatang katotohanan o ang pagpapatakbo ng mga pangkalahatang batas lalo na kung nakuha at nasubok sa pamamagitan ng siyentipiko
Sentence: Maraming Bagay na hindi kaya ipaliwanag ng Agham
13. Kartamoneda(Pitaka)
English word: wallet
Definition: isang pocket-size, flat, folding holder para sa pera at mga plastic card.
Sentence: Isinauli ko sa may-ari ang kanyang nahulog na kartamoneda.
14. Agsikapin(Inhinyero)
English word: Engineer
Definition: isang taong nagdidisenyo, gumagawa, o nagpapanatili ng mga makina, makina, o gawaing pampubliko.
Sentence: Ang mga agsikapin ay magagaling sa matematika at pagplaplano.
15. Batlag (Kotse)
English word: Car
Definition: isang sasakyan sa kalsada, karaniwang may apat na gulong, na pinapagana ng internal combustion engine at may kakayahang magdala ng maliit na bilang ng mga tao.
Sentence: Anong kulay ng iyong batlag?
Here is a video for you to know how to pronounce these Uncommon Fiipino words.
References:
Kommentare